Reputasyon ng Bansa sa mga Foreign Investors, Nanatiling Malinis ayon sa BSP

Napanatili ng banking system sa Pilipinas ang malinis na impresyon sa foreign investments kahit nasangkot ang dalawang malalaking bangko mula sa bansa sa kontrobersyal na Wirecard scandal, ayon sa chief ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Matatandaang nasangkot ang BDO Unibank at Bank of the Philippine Islands sa anomalya ng Wirecard, isang German payments group na sinasabing nakawala ng $2 billion sa kanilang balance sheet.
Ayon din kay BSP Governor Benjamin Diokno, patuloy na malakas pa rin ang hatak ng banking system sa Pilipinas sa investor optimism at shareholder confidence.
Iginiit ni Diokno na maglabas ng detalyadong pahayag may kaugnay sa isyu, pero tahasan niyang ipinahayag na walang ebidensya ang nagpapakitang sangkot ang dalawang bangko sa kontrobersya.