ResCute Operation, Maghahandog ng Libreng Gupit sa COVID Frontliners
Upang matulungan at mapasalamatan ang ating mga COVID-19 medical frontliners, inilunsad ang ResCute Operation: Ang Rescue Operation na Pampacute ng COVID-19 Frontliners na naglalayong makapagbigay ng libreng gupit sa mga frontliners na naglilingkod sa ating bayan.
Ayon sa operations heads na sina Atee Vitangcol, Jaydee Chun, sa tulong ng People for Accountable Governance and Sustainable Action (PAGASA), magiging daan din ang programa upang mabigyan ng trabaho ang mga barbero at stylists na nawalan ng hanap buhay dahil sa pandemiya.
Siniguro ni Vitangcol ang mga barbers o kung tawagin nila ay “HAIRoes” na magbibigay ang ResCute Operation team ng personal protective equipment (PPE) at mahigpit na susundan ang safety protocols upang matiyak ang kanilang kaligtasan.
Bagamat hindi lamang eksklusibo sa Metro Manila ang serbisyo ng ResCute Operation, ang programa ay kasalukuyang nakasentro sa National Capital Region dahil sa lockdown restrictions.
