top of page

Residente ng Pasig na may COVID-19 Symptoms, Hinimok na Tumawag sa mga Hotline ng Munisipyo


Photo from Pasig City PIO.

Hinimok ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang residente ng lungsod na nakakaranas ng sintomas ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) gamit ang hotlines ng kanilang tanggapan upang isailalim ito sa isang konsultasyon.

Sa isang social media tweet ng alkalde, hinikayat nito ang kanyang nasasakupan na kung sakaling mawalan ng panlasa ang mga residente rito ay agarang tumawag sa kanilang hotlines upang dumaan ito sa pagsusuri.

Ayon kay Sotto, kabilang sa mga common na sintomas na nararanasan ng isang COVID-19 patient ay ang kawalan ng panlasa na posibleng humantong sa mas delikadong kondisyon gaya ng hirap sa paghinga, chest pain o loss of speech.

Dagdag ng alkalde, sa mga nakakaranas ng ganitong sintomas ay maaring dumulog sa Pasig’s COVID-19 Operations Center sa numerong 8643-0000 at 0961-572-5019 o puntahan na lamang ang social media page ng Pasig Public Information Office para sa karagdagang impormasyon.

bottom of page