Reusable Products Ligtas parin Gamitin Ngayong Panahon ng Pandemya


Photo for illustration purposes only.

Ligtas parin ang paggamit ng mga reusable products gaya ng bags, cups at iba pa sa kabila ng kaliwa’t kanang produksyon ng single-use plastic products ngayong panahon ng pandemya.

Ito ang binigyang diin ng Greepeace USA Inc.

Nang magsimula ang pandemya, naging mas mapanuri ang lahat sa mga produktong binibili para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 kaya lahat ay nakatutok sa pagbili ng mga disposable at plastic na mga produkto.

Bagama’t pinaniniwalan na mas ligtas ang paggamit ng mga plastic o disposable products sa buong mundo gaya ng personal protective gear, medical equipment at delivery packaging ngayong global pandemic ay nagdudulot naman ito ng hindi magandang epekto sa kalikasan na maaring maransan sa mga susunod na taon.

Hinimok naman ng Greenpeace na patuloy parin gamitin ang mga reusable products basta’t siguraduhin lamang na malinis at nahuhugasan ang mga ito ng mabuti.