top of page

Riders, Binigyan ng Palugit para Ikabit ang Barrier na Aprudo ng NTF


Photos from Angkas.

Binigyan ng palugit ng pamahalaan ang mga motorcycle riders hanggang July 19 para ikabit ang barrier o harang na aprubado ng National Task Force (NTF) matapos payagan ang pag-angkas sa motorsiklo.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Lt. Gen. Guillermo Eleazar, bibigyan ng isang linggo ang mga may-ari ng motorsiklo upang ikabit ang harang na aprubado ng NTF na parehas sa prototype models ng provincial government ng Bohol at ng motorcycle ride-hailing app na Angkas bago umarangkada sa kalsada upang masiguro ang kaligtasan at seguridad sa kalusugan ng mga tao.

Kaugnay nito, bagama’t pinayagan na ang mga couples at live-in partners na magka-angkas sa iisang motorsiklo ay huhuliin parin ang mga ito kung walang nakakabit na physical barriers sa pagitan nilang dalawa.

Bukod dito, kinakailangan rin na ipakita ang identification cards at iba pang dokumento na nagpapatunay na sila’y magkasintahan o magkasama sa iisang bahay.

Dagdag naman ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, kakailanganin din ang mga naturang harang sakaling payagan na ang back-riding sa publiko at sakaling mas lalong lumuwag ang hakbang ng pamahalaan sa pagsupo ng nakahahawang sakit.

bottom of page