top of page

'Ring of Fire' Solar Eclipse, Magaganap Ngayong Linggo Matapos ang Isang Dekada


Photo for illustration purposes only.

Sa Linggo, Hunyo 21, makikita ang 'Ring of Fire' solar eclipse sa Asia, Africa, at Middle East, isang pangyayari na minsan lamang maganap kada-isang dekada.

Isa ito sa pinakamabilis at pinakamaikling solar eclipse ngayong taon, dahil tatagal lamang ng halos isang minuto ang pagtakip ng buwan sa araw, saka lilitaw ang mistulang 'ring of fire' na nakapalibot sa moon.

Napag-lamang magiging visible din ang outer layer ng araw na tinatawag na corona, isang bahagi nito na bibihira lamang makita ng naked eyes.

Pinapa-alalahanan naman ang lahat ng nagnanais makakita ng 'ring of fire' solar eclipse na magsuot ng appropriate na sun glasses upang maiwasan ang pagkabulag o ano mang panganib sa paningin o mata.

bottom of page