Rizal Park, Muling Binuksan!


Matapos ang ilang buwang pagkakasara ay muling binuksan ng National Parks Development Committee (NPDC) ang Rizal Park o mas kilala bilang Luneta Park.

Nagkaroon ng soft opening ang Rizal Park ngayong Miyerkules, matapos ang ilang buwan na pagpapatupad ng mahigpit na lockdown at quarantine restrictions sa buong Metro Manila bunsod ng COVID-19 ay pormal nang binuksan ang parke sa publiko ngunit eksklusibo lamang ito sa pag-eehersisyo mula alas 5 hanggang alas 9 ng umaga.

Samantala, Kinakailangan ang health declaration form ng mga pupunta sa parke upang masiguro ang kaligtasan at seguridad sa paligid.

Pinaalalahanan naman ng NPDC ang publiko na patuloy na sumunod sa health protocols ng gobyerno gaya ng pagsusuot ng face masks, pag-obserba sa social distancing rule at pagsusuri ng body temperature bago pasukin ang lugar.