top of page

Robot Dog, Sinubukan ng Singapore para Maipatupad ang Social Distancing

Isang pamamaraan ang naisip ng bansang Singapore para mapanatili ang distansya ng kanilang mga residente.

Ayon sa kanilang awtoridad gagamitin ang isang canine robot galing sa kompanya na Boston Dynamics para magpatrolya sa isang parke upang patuloy na maobserba ang social distancing.

Si Spot, isang four-legged robot dog, ang kasalukuyang sinusubukan upang mag-anunsyo ng isang pre-recorded message at ipaalala ang kahalagahan ng physical distancing.

Mayroon ding surveillance camera ang nasabing robot para makalkula ng mga opisyal ang bilang ng mga tao na dumadagsa sa park pero wala itong personal na impormasyon na makukuha.

Ang proyektong ito ay susubukan sa loob ng dalawang lingo kung saan ipagpapatuloy at palalawakin naman ang paggamit nito kapag nakita na epektibo ang robot dog upang maiwasan ang physical contact sa mga mamamayan.



bottom of page