Roque, Pinasalamatan ang TV Host na si Willie Revillame


Left: Willie Revillame. RIght: Spokesperson Harry Roque.

Matapos magbahagi ang TV host na si Willie Revillame ng P5 milyong donasyon bilang tulong sa mga jeepney drivers na labis apektado ang pangkabuhayan sa kabila ng pag-usbong ng pandemya sa bansa ay naghayag ng pasasalamat si Presidental spokesman Harry Roque rito.

Labis na ikinatuwa ni Roque ang ibihaging tulong ni Revillame para sa tinatayang 3,211 jeepney drivers na rehistrado sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Central Office nitong Miyerkules.

Ani Roque, nagpapasalamat ito sa busilak na puso at malasakit ni Revillame para tulungan ang mga drayber na hirap ang buhay ngayon sa kabila ng krisis na kinakaharap ng bansa.

Sa pagtatapos ng kanyang pahayag, ipinaalala nito sa TV host ang karagdagang limang milyong donasyon bilang panibagong tulong sa mga jeepney drivers.