top of page

Rover ng NASA na Perseverance, Layong Makahanap ng Ancient Microbial Life sa Planetang Mars


Photo from NASA.

Gamit ang space rover ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) na Perseverance, layunin nitong magkaroon ng astrobiology mission upang makahanap ng ancient microbial life sa planetang Mars, at kung posibleng makapagpalipad ng helicopter-drone sa planetang ito, sa kauna-unahang pagkakataon.

Natuklasan ng NASA na mas mainit at mas basa ang Mars sa kasalukuyan kaysa sa kalagayan nito, tatlong bilyon na ang nakakalipas at posible itong makapag-sustain ng carbon-based life, kaya naman ang misyon na ito gamit ang perseverance ay tutuklas kung posible ba para sa Red planet na ito ang pagkakaroon ng buhay noon.

Ayon kay NASA administrator, Jim Brindestine, ang pagdiskubre ng pagkakaroon ng buhay sa Mars ay maaaring maging ang pinakamalaking pag-aaral sa kasaysayan, at masasagot nito ang napakaraming tanong, gaya ng kung mayroon nga bang nabuhay noon sa planetang hindi ang sa atin, at marami pang iba.

bottom of page