Royal Honors Ginawad sa Tatloong Pinay sa Netherlands
Kinilala ng Department of Foreign Affairs ang tatlong Pilipina, na nakatanggap ng royal honors sa Netherlands, bilang mga makabagong bayani dahil sa kanilang pagbibigay karangalan sa Pilipinas. Tinanggap nina Cecilia Francisco-Lansang, Corazon van Campenhout-Alarcon, at Avelina Rodriguez-Baxa ang Koninklijke onderscheidingen (Royal Honors) ng Netherlands na igingawad sa mga deserving Dutch citizens at foreign nationals para sa kanilang kahanga-hangang ambag sa lipunan. Hinirang si Francisco-Lansang bilang Ridder van Oranje Nassau (Knight of the Order of the House of Orange) para sa kanyang trabaho bilang minister at founder ng WORD International Ministries sa Netherlands at coordinator ng Seeds of Hope Ministry na tumutulong sa sa mga mahihirap na bata at pamilya sa Pilipinas. Samantalang hinirang naman sina van Campenhout-Alarcon at Rodriguez-Baxa bilang Lid van Orange Nassau (Member of the Order of the House of Orange). Kilalang volunteer sa Kapisanan ng Sambayang Pilipino, unang head ng Damayan, co-founder ng Bayanihan Foundation sa Netherlands at WIM si Campenhout-Alarcon habang kilala naman si Rodriguez-Baxa sa kanyang pagtulong sa mga Filipino migrants sa Netherlands, at pagsuporta sa mga mahihirap na barangay sa Pilipinas.
