Samgyupsal Restaurants sa mga GCQ Areas Pinayagan Nang Magbukas ng DTI

Dahil sa cravings ng maraming Pinoy sa unlimited Korean barbecue, simula June 15, papahintulutan na ng Department of Trade and Industry (DTI) na mag-operate ang mga samgyupsal place na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).
Upang patuloy parin na maobserba ang social distancing, hindi papayagang mapuno ang mga lamesa at dalawang katao lamang ang pwedeng umupo sa lamesang para sa apat na tao. Hindi rin maaaring magkaharap ang mga ito.
Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) na magbukas ang mga ito, subalit 30% lamang ng restaurant ang maaaring punuin.
Dagdag pa niya, hindi pa tapos ang laban ng bansa kontra COVID-19 kaya kailangang magsagawa pa rin ng safety measures ang mga may-ari gaya ng palagiang pagdidisinfect, pagsusuot ng protective masks at physical distancing.