top of page

San Juan City, Namahagi ng Libreng Face Masks sa mga Residente


Nagsimulang mamahagi ang lokal na pamahalaan ng San Juan ng libreng reusable face masks sa mga residente mula sa donasyon ng national government upang matiyak ang kaligtasan ng mga taga-rito kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, nakatanggap ang kanilang lungsod ng tinatayang 87,000 piraso ng reusable face mask sa tulong ng “Libreng Mask Para sa Masa”, isang programa ng pamahalaan ng may layong mamahagi ng libreng face mask sa ilang parte ng bansa.

Kasalukuyang ibinabahagi sa iba’t ibang barangay ang libo-libong face masks na kanilang natanggap.

Sinabi ng alkalde na malaking tulong ang ibinahaging face masks dahil mahigpit aniya na ipinapatupad sa kanyang nasasakupan ang minimum health protocol ng pamahalaan kontra sa paglaganap ng COVID-19 sa bansa.

bottom of page