top of page

San Miguel Corporation, Tutulong Palakasin ang Industriya ng Alimango sa Bulacan


Palalakasin ng itinuturing na pinakamalaking beer-maker company ng bansa ang San Miguel Corporation (SMC) ang industriya ng pag-aalaga ng mud crabs o alimango sa Bulacan province.

Ito ang ipinahayag ni SMC President Ramon Ang na naglalayong matulungang mabigyan ng source of livelihood ang mga residente sa Bulacan.

Nabatid na nasa 100,000 mud crabs kada buwan ang ilalagay ng SMC sa coastal area na malapit sa kapitolyo ng Bulacan upang maging proteksyon sa coastal area ng probinsiya na madalas pinanggagalingan ng pagbaha.

Bukod pa rito, nakahanda ang kumpanya na magtanim din ng nasa 190,000 mangroves o mga bakawan sa naturang lugar na may sukat na 10-hectare kung saan ilalagay din ang mga aalagaang alimango upang makatulong at maibsan ang lumalaganap na pagbaha sa bahagi ng Bulacan.

Sa pamamagitan din nito ay inaasahang maiiwasan din na umabot ang baha sa bahagi ng planong paliparan kung saan nag-lagak ang San Miguel Corp. ng P735.6 bilyon o nasa $15.1 bilyong halaga ng airport sa nasabing probinsiya.

"This flood mitigation measures are all integral to airport development. It's important to address these environmental concerns before investing over 700 billion pesos to the airport," pahayag ni Ang.

Sakaling tuluyang maisakatuparan ang airport inaasahang ito ang magiging pinaka-malaking gateway sa Southeast Asian nation. ---- By: BENEDICT ABAYGAR, JR.

bottom of page