Sapilitang Pagsusuot ng Mask sa Hong Kong, Magtatakda ng $645 na Multa sa mga Lalabag

Dahil sa patuloy na pag-agos ng mga COVID-19 positive sa Hong Kong city, nagpanukala ang lokal na pamahalaan nito ng compulsary mask wearing sa mga pampublikong lugar at ang mga lalabag ay nakatakdang magmulta ng 5,000 Hong Kong dollars o $645.
Gayundin, striktong ipinatupad ng Hong Kong city government ang pagkakaroon lamang ng 'di tataas sa dalawang tao na mga pagtitipon.
Samantala, ayon kay Hong Kong Chief Secretary Martin Cheung, may proyekto din silang isasagawa na naglalayong magtayo ng makeshift hospital na kagaya ng sa Wuhan, China na may 2,000 hopsital beds malapit sa Hong Kong International Airport.