Sari-saring mga Organisasyon, Nagsa-ayos ng Fund Raising para sa Mindoro Tamaraw Raisers

Dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic sa kanilang mga kabuhayan, iba’t ibang mga grupo ang nagkaisa upang suportahan ang mga tagapag-alaga at may-ari ng mga tamaraw, isang endangered na uri ng hayop sa bansa sa Mindoro island. Kabilang sa mga ito ang non-profit organization na Philippine Parks and Biodiversity, na nagpasimula ng Tamaraw Society at nangalap ng P20,000 sa kada miyembro nito upang ibahagi sa Tamaraw Conservation Programme. Ayon kay Ann Dumaliang, isa sa mga nanguna sa fund raising na ito, nasa siyam na mga organisasyon ang magtutulong-tulong upang buhaying muli ang tamaraw preservation sa lugar at hahanap sila ng 11 pa upang maging kabilang sa mga ito. Ang Mounts Iglit-Baco Natural Park sa Mindoro ang nagmimistulang tahanan ng 480 sa natitirang 600 na tamaraw sa bansa at dahil sa dagok ng pandemya, nakatakda itong magsara at 33 katao ang maaaring mawalan ng hanap-buhay.