• Malou Manuel

Scottie Thompson, Bagong Franchise Player ng Brgy. Ginebra


Isa sa pinakasikat na player ngayon ang pangalan ni Scottie Thompson ng Brgy. Ginebra na tubong Davao Del Sur.

Ang 6'1, shooting guard ang posibleng bagong franchise player ng Gin kings sa kasalukuyan. Kung dati ay si Mark "D Spark" Caguiao ang star player ng team, pinalitan na umano ito ng dating manlalaro ng University of Perpetual Help Dalta Las pinas.

Matinding role umano ang ibibigay ni Coach Tim Cone sa 2015 PBA draft, round 1, 5th overall. Hindi naman nagkamali si Coach Cone na pagkatiwalaan si Scottie dahil nagagawa naman niya sa court ang pinagagawa ng kanyang mentor.

Ang iba pang aasahan ni Coach Tim sa “PBA Bubble” na magsisimula na sa October 11 ay sina Stanley Pringle at Japeth Aguilar.


Gayundin ang dalawang rookies na isasalang na sina Jerick Balanza at Kent Salado kasama ang mga beteranong sina L.A Tenorio, Arth Dela Cruz, at Aljon Mariano.