top of page

Screen Time ng mga Mag-aaral sa Online Class, Nilimitahan ng DepEd


Ipinalala ng Department of Education (DepEd) na limitado mula isa hanggang apat oras lamang ang gugulin ng mga estudyanteng bahagi ng online distance learning (ODL) matapos maglabas ng memorandum ang kagawaran ngayong darating na pasukan.

Ayon kay DepEd Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio, kinakailangang sundin ang Memorandum DM-CI-2020-00162 kung saan nakapaloob ang panukalang stratehiya na magiging gabay ng mga guro at mag-aaral sa magiging implementasyon ng distance learning delivery modalities (DLDM) ngayong darating na pasukan sa Oktubre.

Ang inilabas na memorandum ay naangkop lamang para sa mga paaralan na mayroong access sa digital devices gaya ng laptop, tablet, smartphones at iba pa, kabilang din ang sapat na internet connectivity para sa maayos at malinaw na daloy ng klase.

Ani Antonio, maaaring isagawa ang synchronous at asynchronous online teaching ng mga paaralan ngayong darating na pasukan upang mabalanse ang paggamit ng Screen Time Guidelines na nakapaloob sa rekomendasyon ng DepEd para sa mga estudyante.

bottom of page