top of page

Sekyu ng isang Pawnshop, Tinuturuang Magsulat at Magbasa ang mga Batang-Kalye


Sa halip na magpalaboy-laboy sa kalsada, isang security guard sa isang pawnshop na may mabuting puso ang tumulong sa mga batang-kalye kung papaano bumasa at sumulat.

Nagsimulang magturo ng isang bata si Renz Abelita, at sa kalaunan, naging apat na ang mga ito dahil sa kaniyang tiyaga at malasakit sa kanila.

Ayon kay Abelita, nagsimula daw ito nang tanungin niya ang isa sa kanila kung alam nitong isulat ang kaniyang pangalan. Nang sabihin ng bata na hindi, napagdesisyunan niya na tulungan itong magsulat.

Nagsimula lamang daw ang kaniyang pagtuturo sa mga basic na lessons, pero dahil sa kaniyang paghahanda ng 'lesson plan' at mga pagsusulit tuwing gabi, nakakapamahagi na siya ng mga mas mahihirap na turo.

Laking pasalamat naman ng isa sa ama ng mga bata kay Abelita dahil wala na daw itong panahon para turuan ang anak dahil sa pagkayod-kalabaw para mabuhay.

bottom of page