Semento Gamit ang Asin, Naimbento ng mga Architect sa UAE

Dalawang architect sa United Arab Emirates (UAE) ang nakatuklas ng makabago at mabisang paraan ng paggamit ng asin upang maging semento.
Ayon kina Wael Al Awar at Kenichi Teramoto, maraming lugar sa UAE ang napapalibutan ng sabkha, mga salt flats, ang hindi nabibigyang-pansin kaya gamit ang brine o pagbabad nito sa tubig, nakabuo sila ng mga sementong blocks.
Inilagay ang nga blocks sa mga carbon dioxide chamber upang tumigas at sinubukan ang tibay ng mga ito bago ipadala sa Japan upang masiguro ang pagiging epektibo nito bago gamitin sa iba't ibang imprastraktura.