Sen. Bong Go Nagbabala sa Pag-angat ng Quarantine Restrictions sa Bansa

Hindi pa tapos ang laban sa corona virus.

Ito ang babala ni Sen. Bong Go sa publiko sa pagluwag ng mga quarantine restrictions sa iba’t ibang parte ng bansa dahil hindi pa tapos ang patuloy na paglaganap ng kalaban o coronavirus disease.

Hinimok ni Go ang publiko na huwag magpakampante habang sinusubukang pigilan ang first wave ng virus dahil mas nakakatakot aniya kung sakaling magkaroon ng second wave of infection sa bansa.

Paalala naman ng Senador na patuloy mag-comply ang mga Pilipino sa mga precautionary measures gaya ng pagsusuot ng masks, palagiang paghuhugas ng kamay, social distancing at pagsunod sa mga health protocols para hindi na magtagal pa ang pagkalat ng COVID-19.