top of page

Senado, Determinadong Ipasa ang Corporate Tax Reform Bill

Sisikapin ng mataas na kapulungan ng konreso na maisakatuparan ang Corporate Income Tax and Incentives Reform Act o (CITIRA) bago matapos ang pagdinig.

Ito ang sinabi ni Senate President Vicente Sotto III kung saan nasa second reading na ito.

Ang CITIRA ay idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na urgent noong Marso, at naglalayon itong bawasan ang tax rate, palawakin ang tax base at babaan ang tax distortion at leakages, ayon kay Department of Finance Secretary Carlos Dominguez III.

Samantala, idinagdag naman ni Senator Pia Cayetano na makaaakit ang CITIRA ng mga potential business investors kahit nasa gitna ng COVID-19 crisis ang bansa, lalo na ang mga industriyang kinakailangan sa ganitong sitwasyon.

Matatapos naman ang pandinig sa kongreso sa June 3.



bottom of page