Senado Gustong Ipagpaliban ang School Opening sa Oktubre

Ilang tulog na lamang bago ang muling pagbubukas ng klase sa Agosto 24, iminungkahi ng mga Senador ang muling pagpapaliban ng school opening sa Oktubre.
Ito’y pagkatapos ilabas ng Department of Education (DepEd) ang datos na nagsasabing 82 pa lamang sa 214 school division sa bansa ang ‘half-ready’ sa pamamahagi ng self-learning modules para sa blended learning.
Ayon pa sa report ng DepEd sa Senado, halos 62 porsyento pa ng mga distrito ang wala pa sa 50 porsyento tapos ang printing process.
Siniguro naman ni DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan ang senado at itinuran na inaasahan nilang matapos ang nasa pang-dalawang linggong modules bago ang school opening.
Binatikos nina Sen. Francis Tolentino at Sen. Sherwin Gatchalian ang ahensiya dahil sa
pagpupumilit nitong magbukas ng klase sa kabila ng lumalalang estado ng COVID-19 sa
bansa.