Senado Inaprubahang Mabigyan ang Pangulo ng Kapangyarihan Ilipat ang Pagbubukas ng Klase

Inaprubahan na ng Senado ang Senate Bill No. 1541 o ang panukalang batas na naglalayong mabigyan ng kapangyarihan ang pangulo na ilipat ang pagbubukas ng klase pagkatapos ng Agosto.
Aamiyendahan ng panukalang batas ang naunang Republic Act 7797 o mas kilala bilang ‘An Act to Lengthen the School Calendar from Two Hundred (200) Days to Not More Than Two Hundred Twenty (220) Class Days’.
Ayon sa Senate bill, maaaring ibahin ng pangulo ang petsa ng pagbubukas ng klase, matapos ang Agosto, sa mga pampubliko at pribadong paaralan kung nasa ilalim ng State of Emergency o State of Calamity ang bansa.
Sinabi naman ni Department (DepEd) Undersecretary Nepomuceno Malaluan na naiintindihan ng ahensiya ang hindi pagsang-ayon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbabalik-eskwela ng mga estudyante hanggat walang bakuna laban sa COVID at suportado nila ang layunin nito.