• Radyo Pilipino News Team

Senate Committee on Education, Nais Paigtingin ang Parent-Teachers Association


Photo from facebook.com/WinGatchalian74

Nais ni Senate Committee on Education Chairman Sherwin Gatchalian na palawigin pa ng Department of Education (DepEd) ang Parent-Teachers Association (PTA) dahil sa papalapit nang balik-eskwela sa darating na Agosto.

Ipinahayag niya na may nga magulang pa rin na hindi pabor sa pagbubukas ng klase lalo't nasa ilalim pa rin sa krisis ang bansa.

Mahalaga aniya ang masinsinang pag-uusap ng DepEd at PTA upang malinawan ang mga magulang sa anumang mga ikinababahala nila para sa kanilang mga anak, at dapat silang maging palaisip sa mga health standards na ipatutupad ng education sector.

Ihahanda rin ang pagtutulungan ng mga guro at magulang sa mga posibleng pamamaraan na gagamitin ng DepEd upang simulan ang mga klase kahit walang face-to-face contact gaya ng internet, telebisyon at radyo.