top of page

Senator Bong Go, Nagpanukalang Kailangan na ng Bansa ang Department of Overseas Filipinos

Ipinahayag ni Senator Bong Go sa naganap na senate hearing ang pangangailangan ng isang bagong kagawaran para sa mga Pilipino sa ibang bansa sa ilalim ng Senate Bill 202.

Ayon kay Go, dapat nang umiral ang Department of Overseas Filipinos lalo na sa panahon kung saan libo-libo ang mga Pilipinong nasa iba't ibang panig ng mundo sa gitna na corona virus disease (COVID-19) pandemic.

Dagdag pa niya, mapapagaan nito ang trabaho ng mga ahensiya sa gobyerno dahil iisang departamento na lamang ang tututok sa pangangailangan ng mga Overseas Filipino Workers (OFW).

Gayundin, sinabi pa niya na kailangang pagtuunan ng pansin at bigyan ng agarang tulong ang mga OFW sa ganitong mga panahon, at magiging posible sa pamamagitan ng Department of Overseas Filipinos.



bottom of page