top of page

Senator Gatchalian, Nais Paigtingin ang mga Aksyon Laban sa Cyberbullying sa Gitna ng Online Classes


Dahil inaasahan na mas madami ang oras na gugugulin ng mga estudyante online, nais paigtingin ng Senate committee on basic education chair na si Senator Sherwin Gatchalian ang mga aksyon upang labanan ang cyberbullying.

Ayon sa senador, hindi maiiwasan ang posibilidad na makaranas ang mga mag-aaral ng bullying, pang-aabuso at karahasan online kahit pa na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan.

Sinabi din niya na ang Anti-Bullying Act of 2013 ay nilikha upang aksyunan ng mga elementary at secondary schools ang mga insidente ng cyberbullying sa bansa.

Samantala, sa tala ng Programme for International Student Assessment (PISA) 2018, sa gitna ng 79 na bansa, ang Pilipinas ang may pinakamataas na porsyento ng cyberbullying na 65% at na nakararanas ang mga high school students nito, tatlong beses sa isang buwan.

bottom of page