top of page

Senator Villanueva, Nais Paigtingin ang Budget ng TESDA sa Gitna ng Pandemic


Photo from TESDA.

Hinikayat ni Senator Joel Villanueva ang pamahalaan na magtalaga ng karagdagang budget para sa Technical Education and Skills Development Authority upang mas makatulong ito sa pagtuturo ng technical-vocational education sa gitna ng COVID-19.

Dagdag pa ng dating TESDA Secretary, mahalaga ang papel na ginagampanan nito sa pagbibigay ng mga life skills sa maraming Pilipino na nakapagbibigay ng maraming oportunidad upang makapagtrabaho.

Dahil na rin sa nagbabagong curriculum ng TESDA kada-tatlong taon upang mas maging akma sa mga kwalipikasyon ng iba't ibang industriya, sinabi ng senador na panahon na upang bigyan ng gobyerno ang institusyon ng pagkakataon lalo't patuloy na bumabagsak ang ekonomiya ng bansa.

Matatandaang kumuha ang gobyerno ng P2.1 billion sa budget ng TESDA upang gawing COVID-19 funds, sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act.

bottom of page