top of page

Senior Citizens at PWDs, Maaari nang Magkaroon ng mga Representative para sa Kanilang Cash Aid

Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na pwede nang magpadala ng representative o proxy ang mga senior citizen at persons with disabilities (PWDs) sa pagkuha ng kanilang emergency subsidies may kinalaman sa Social Amelioration Program (SAP).

Ipinatupad ito ng DSWD matapos magkaroon ng mga insidente kung saan namatay ang ilang may-edad habang nakikipagtalo para sa kanilang mga cash aid.

Samantala, pinayuhan din ng DSWD ang mga Local Government Units (LGUs) na magkaroon ng mga stand-by ambulance sa lokasyon kung saan sila namamahagi, gayundin ang door-to-door na payout ng mga ayuda at cash subsidy sa mga tahanan na may senior citizens at PWDs.



bottom of page