Senior Citizens Papayagang Lumabas sa Ilalim ng GCQ

Pinayagan ng lumabas ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga senior citizens na naninirahan sa mga lugar na kabilang sa GCQ ngunit para lamang ito sa mga walang kasama sa kanilang mga tahanan upang bumili o tumanggap ng mga essential goods at services.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, plano nilang paglaanan ng special lane ang mga matatanda para mapabilis ang kanilang mga transaksyon at kaagad ring makauwi ang mga ito.

Paalala naman ng kalihim, kung hindi naman kinakailangan ay hangga’t maari ay huwang munang lumabas ng bahay ang mga mamamayang nasa 60 taong gulang na siyang madaling kapitan ng sakit sa patuloy parin na banta ng nakamamatay na COVID-19.



2 views