• Tj Ovivir

Serbisyo ng Military Reservists, Ipinanawagan ni Pangulong Duterte sa Panahon ng Pandemya


Photo from Philippine Army News Facebook Page

Sa kaniyang nakaraang address to the nation, nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte na nais niyang makiisa ang mga reservist ng militar sa pagsugpo ng COVID-19 pandemic sa bansa at sa mga operasyon kaugnay nito.

Hinimok niya si Defense Secretary Delfin Lorenzana na tipunin ang lahat ng reserve officers, pati na ang kaniyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, na sinasabi ng pangulo na mangunguna sa oras na ipatawag ang lahat ng reservists ng Armed Forces of the Philippines.

Kasabay ng anunsyong ito ang paglalagay muli sa Mega Manila sa Modified Enhanced Community Quarantine, matapos manawagan ang mga healthcare workers sa lumulobong mga kaso ng bansa.