• Tj Ovivir

Service Dog, Tinanggap ang College Diploma ng Kaniyang Pumanaw na Amo


Photo from cesarsway.com

Matapos mabawian ng buhay si Josh Kelly, isang estudyante mula sa Idaho State University sa Amerika dahil sa epilepsy, isang nakakaantig na pagkakataon ang naganap matapos ang kaniyang service dog na si Cletus ang tumanggap ng kaniyang College diploma.

Si Cletus, isang pitbull ang tumulong kay Josh nang siya ay nabubuhay pa na may kaugnayan sa mga bagay na hindi kayang gawin ng kaniyang amo, at siya rin ang nagbababala sa mga iba na sinusumpong ng seizures si Josh.

Sa graduation ng Idaho State University, naging bahagi ng program ang pagbibigay-tribute kay Kelly kung saan umakyat si Cletus kasama ang ama ni Josh, tinanggap ang diploma, at saka sumigaw ng "For you Josh!' ng nakaturo ang mga kamay pataas.