“Share A Spare” Bike Campaign ng Isang Labor Group, Inilunsad!


Photo is for illustration purposes only.

Naglunsad ang labor group na Defend Jobs Philippines ng isang “share a spare” bike campaign para sa mga manggagawa na hirap makapasok sa kanilang trabaho dulot ng kakulangan sa pampublikong transportasyon sa mga kalsada.

Nananawagan ang Defend Jobs Philippines sa publiko na ipagbili, ipahiram o ibahagi na lamang ang mga hindi na ginagamit o sobrang bisikleta dahil malaking tulong anila ito para sa mga manggagawang Pilipino sa kanilang pagpasok sa trabaho.

Ayon sa labor group, libo-libong commuters ngayon sa bansa ang hirap makapasok sa kani- kanilang mga trabaho dahil sa transportasyon.

Panawagan ng Defend Jobs Philippines, sa mga may gustong ibahagi ang kanilang mga bisikleta ay bukas ang tanggapan ng labor group para sa mga ito.

Sinabi naman ng Department of Health (DOH), mabisa ang bisikleta bilang mode of transport sa panahong ito at nakatutulong din ito sa pang-araw-araw na ehersisyo.