Sharon Cuneta, Nakalikom ng Higit 2 Million Pesos sa Virtual Concert

Nakalikom ng higit dalawang milyong piso ang naganap na virtual Mother’s Day concert ni megastar Sharon Cuneta kasama ang kanyang musical director na si Maestro Louie Ocampo.

Naganap ang virtual concert ng megastar sa loob ng kanyang tahanan – Sharon: Love and Music noong linggo kasama ang tanyag na musical director na si Louie Ocampo.

Umawit ng 14 songs si Sharon sa dalawang oras na tinagal ng nasabing concert.

Kasabay nito ay pina-auction ni Sharon ang suot na Gucci shirt na umabot sa 150,000 pesos na bid. Samantala, hindi naman nagpakilala ang highest bidder ng nasabing damit.

Ang nalikom nitong donasyon ay gagamitin para sa isang charity program na may layong tulungan ang mga naapektuhan ang hanapbuhay dahil sa kinakaharap na krisis ng bansa.