• Radyo Pilipino News Team

Sikat na Filipino Designer na si Michael Cinco, Gumawa ng mga PPEs para sa mga Frontliners sa UAE

Ipinasilip ng sikat na Filipino fashion designer na si Michael Cinco ang mga protection lab gowns na kanyang dinesenyo para sa mga medical front liners na patuloy na nakikipaglaban sa COVID-19 sa United Arab Emirates (UAE).


Sa unang tingin ay aakalain mong magarang damit ngunit nilinaw ni Cinco na ito'y Personal Protective Equipment (PPE).


Ayon pa kay Cinco na ang paggawa nya ng mga ma-ala pang fasion show na mga PPEs ay pinangunahan ng Arab Fashion Council.


"This is our small way of serving the Dubai community and giving back gratitude to the UAE government", ani pa ni Cinco sa kanyang social media post.