Sikat na 'Lanyard' kontra COVID-19, pinabulaanan ng Food and Drug Administration
Pinabulaanan ng Food and Drug Administration na nakapagbibigay proteksyon laban sa Covid-19 ang Virus Shut Out o anti-virus lanyard kapag isinuot.
Ayon kay FDA Director General ang Undersecretary Eric Domingo, nagkalat ang mga sellers ng nasabing lanyard sa mga Asian countries, kabilang na ang Pilipinas.
Sinabi pa niya na walang mga FDA counterparts sa ibang bansa ang nagsasabing epektibo ang Virus Shut Out sa pagpigil ng virus transmission.
Dahil dito, pinangangambahan ng ahensiya na baka maging pabaya ang mga taong magsusuot nito at isipin nilang magbibigay-proteksiyon ito sa kanila at hindi narin sundin ang pagsuot ng face masks at social distancing
Samantala, wala pang naisusumite ang mga producer at manufacturer ng Virus Shut Out na scientific data na nagsasabing epektibo ito, gaya ng hinhingi ng FDA.
