Singsing na Kayang Maka-detect ng COVID-19 Symptoms, Sinusuri sa United States

Sa panahon kung saan kayang solusyonan ng teknolohiya at siyensiya ang lahat, kasalukuyang sinusuri ng mga scientist sa West Virginia University Rockefeller Neuroscience Institute ang isang singsing na maaaring maka-detect di-umano ng mga sintomas ng coronavirus.
Sinasabing kayang masuri ng Oura ring kung ang isang tao ay may sintomas ng COVID-19 sa loob lamang ng tatlong araw.
Kasabay ng pag-iinnovate sa Oura ring ay ang paggawa nila ng application gamit ang artificial intelligence upang ma-forecast ang mga COVID-19 related symptoms.
Ayon sa unibersidad, kaya nitong suriin ang lagnat, breathing difficulty, at fatigue na may 90% accuracy.
Ipinahayag din ng mga mananaliksik na kaya ding ma-detect ng device na ito ang mga asymptomatic na pasyente o yaong mga walang sintomas pero positibo na sa virus.