Smart City Project, Ilulunsad ng Tarlac City LGU

Ang Tarlac City ang magiging kauna-unahang Smart City sa Region 3 sa paglulunsad nito ng isang Home-Grown Smart City Ecosystem Project.
Sa Facebook post ni Tarlac City Mayor Cristy Angeles, ipinasilip ng mayora ang bagong Smart city application na may iba’t-ibang features na magbibigay-daan sa online access sa government services.
Ilan sa mga features ng smart city app ang Citizen Registration Application, Medical Self-Assessment and Reporting Tool 911 Emergency, Health Record Management, Disaster Monitoring and Early Warning System, Payment Portal para sa Government services, Traffic Management System, at Smart Campus para sa distance learning, at COVID-19 contact tracing.
Inulan naman ng suporta ang proyekto mula sa mga Tarlaqueño netizens at inaasahan pa ang pag-usbong ng lungsod sa isang mas progresibo at magandang lugar.