SocMed Regulation sa Ilalim ng Anti-Terror Law, Isinusulong ng AFP

Isinusulong ng bagong Armed Forces of the Philippines (AFP) chief na si Lt. Gen. Gilbert Gapay ang pangangasiwa o pag-regulate ng paggamit ng social media sa ilalim ng bagong Anti-Terrorism Law upang mabatayan ang mga gawaing terorismo.
Sinabi ni Gapay na ginagamit umano ang social media bilang plataporma sa pagrerecruit at pagpaplano ng mga terorista, kaya naman dapat i-regulate ang paggamit nito upang mapuksa ang radikalismo sa mga kabataan.
Dagdag ni Gapay na magsusumite umano ang kaniyang opisina ng implementing rules and regulations (IRR) ng batas at ang kaniyang mga tauhan ang nahaharap sa giyera laban sa terorismo.
Maraming netizens naman ang nagpahayag ng kanilang hindi pagsang-ayon sa mungkahi ni Gapay at sinabing ito raw ay paglabag sa kanilang right to privacy na nakasaad sa Konstitusyon.