SONA 2020, sa Batasang Pambansa pa rin Gaganapin

Ipinaalam ni Senate President Vicente "Tito" Sotto III sa publiko na sa Batasang Pambansa pa rin isasagawa ni President Rogrigo Duterte ang kaniyang panglimang State of the Nation Address sa July 27.
Aniya, bagamat hindi pa pinal ang desisyon, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Malakanyang sa mga Senate at House officials ukol sa paghahanda ng SONA.
Ibinahagi ni Sotto sa isang online media forum na lilimitahan lamang ang mga bisita sa 50 katao at sasailalim ang mga ito sa COVID-19 rapid test bago papasukin.
Dadag pa ng Senate president na iilan lamang mula sa Kongreso, Senado, at Gabinete ang pisikal na dadalo, samantalang walang papapasuking audience sa lugar.
Sinabi naman ni Presidential spokesperson na wala pang pinal na desisyong umabot sa kaniya at hindi pa sigurado kung pisikal na dadalo ang pangulo sa kaniyang SONA ngunit tinitignan ng palasyo ang posibilidad ng virtual na pagsasagawa ng event.