Sonny Parsons, ‘Hagibis’ Member, Pumanaw Na sa Edad na 61

Kilalang beteranong aktor na si Sonny Parsons na dating miyembro ng 80’s all male group na ‘Hagibis’ ay pumanaw na sa edad na 61 matapos umano atakihin sa puso habang nagbibisikleta patungo sa Quezon Province mula sa Batangas.

Si Jose Nabiula sa totoong buhay o mas kilala bilang si Sonny Parsons sa telebisyon ay naging tanyag dahil sa grupong ‘Hagibis’ noong dekada 70 hanggang 80. Kabilang sa mga pinasikat ng grupong kanta ay ang “Legs”, “Babae”, “Lalake” at “Katawan”. Nagkaroon din ang grupo ng sariling pelikula na pinamagatang “Legs Katawan Babae” noong 1981.

Maging ang politika ay pinasok din ni Parsons at naging konsehal siya noon sa Marikina City at nakita rin sa teleseryeng “FPJ’s ang Probinsyano” ni Coco Martin bilang kontrabida noong 2017.

Umapaw naman ang mensahe ng pakikiramay ng mga kaibigan sa naulilang pamilya ni Sonny Parsons dahil sa agarang pagkawala nito.