top of page

South Korea, Nag-Donate ng $750,000 Halaga ng Medical Supplies sa Bansa


Photo from Department of Foreign Affairs.

Malugod na tinanggap ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin ang tinatayang $750,000 halaga ng medical supplies na donasyon ng South Korea sa Pilipinas bilang pagsuporta nito sa patuloy na paglaganap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Tinanggap ni Locsin kay Korean Ambassador to the Philippines Han Dong-man ang naturang medical supplies para sa bansa sa naganap na turnover ceremony nitong Lunes, July 27.

Ilan sa mga nakapaloob sa donasyon ng Korean government ay ang 600,000 piraso ng high-quality KF94 masks, pitong walk-through COVID-19 testing booths, COVID-19 diagnostic kits at marami pang iba.

Pinasalamatan naman ng kalihim ang South Korea sa patuloy parin na humanitarian assistance nito sa bansa sa kabila ng kinakaharap na krisis ng buong mundo sanhi ng pagkalat ng nakahahawang sakit.

bottom of page