State Universities and Colleges, Tuloy pa rin sa mga Admission Test
Ipinahayag ni Commission on Higher Education (CHED) Commissioner Prospero de Vera na marami pa ring state universities and colleges (SUCs) ang magpapatuloy sa pag-conduct ng college entrance tests sa kabila ng sitwasyon ng bansa dahil sa COVID-19.
Sinabi niya na ang ilan sa mga SUC ay magbabase na lamang sa final average ng mga estudyante sa Senior High School.
Ang iba naman ay magsasagawa ng online at physical tests na susunduin by batch ng kanilang eskwelahan.
Hinikayat ni De Vera ang mga higher education institutions (HEIs) na maging mapamaraan sa pag-conduct ng mga klase, sa digital and non-digital mediums, ganung hindi lahat ng estudyante ay may internet connection.
Samantala, ang mga klaseng may physical at face-to-face contact ay pinapayuhan ng CHED na magsimula sa buwan Setyembre.
