top of page

Street Vendors, Papayagan na sa Ilalim ng GCQ!


Papayagan na muling magbalik mag-benta ang mga street vendors sa Ilalim ng general community quarantine.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, matapos ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na iaangat na ang modified enhanced community quarantine sa Metro Manila sa darating na Hunyo ay papayagan na rin ang mga pagbebenta sa kalsada gaya ng balot, at iba pa ngunit kailangan parin sumunod sa mahigpit na panuntunan ng physical distancing at pagsususot ng face masks bilang proteksyon.

Inabisuhan naman ni Roque ang mga street vendors na alamin ang mga requirements na kailangan nilang sundin kung magbebenta ang mga ito sa ibang lugar dahil nasa discretion parin ng local government units (LGUs) ang kaligtasan ng kanilang mga nasasakupan.

bottom of page