• Estephany Rivera

Summer at Christmas Breaks, Maaaring Alisin sa Kolehiyo


Ipinahayag ni Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero De Vera ang kaniyang paniniwalang hindi na kailangan ng mga mag-aaral sa kolehiyo ang Summer at Christmas breaks dahil sinusunod na ngayon ang flexible learning.

Ayon kay De Vera, malaya umano ang mga Higher Education Institutions (HEIs) na magpatupad ng mga pagbabago sa kanilang class calendar upang matapos ang dalawang semestre ng academic school year.

Dagdag pa ng CHED head na maaari ring magsagawa ang mga ito ng klase tuwing Sabado at Linggo upang mapunan ang schedule.

Sinabi ni De Vera, flexible na umano ang schedule ng mga estudyante at hindi na pumapasok araw-araw at hindi narin kailangan ng mga ito na umuwi sa kanilang mga tahanan tuwing holidays.

Pinayuhan naman ni De Vera ang mga HEIs na huwag munang magbukas kung kulang pa ang kanilang preparasyon para sa flexible learning.