• Radyo Pilipino News Team

Suporta sa MSMEs, Aprubado sa Kamara



Inaprubahan ng Committee on Ways and Means ng Kamara ang substitute bill ng House Bills numbers 4878 at 5610 upang suportahan ang pagpapalakas ng micro-small and medium enterprises.


Napag-alamang layon ng panukala na mas patatagin ang microfinance programs at mabigyan ng access sa puhunan at hanay ng MSMEs.


Sa pangunguna ni Albat Rep. Joey Salceda, pinalusot ang panukala sa naturang komite matapos na amyendahan ang Section 9 ng panukala.


Nakapaloob sa amendment, ang lahat ng grants, financing, donasyon at kontribusyon para sa mga MSMEs sa ilalim ng Puhunan, Tulungan at Kaunlaran (PTK) Act of 2019 ay magiging libre sa pagbabayad ng donor’s tax at ikokonsidera bilang allowable deduction mula sa gross income ng donor alinsunod sa probisyon ng National Internal Revenue Code. - By: Benedict Abaygar Jr.