top of page

Supreme Court, Tuloy ang Pagdinig ng mga Kaso sa Pamamagitan ng Video Conference

Papayagang mag-conduct ng virtual hearings ang ilang mga trial courts sa buong bansa sa pamamagitan ng videoconference sa mga kasalukuyang nakabinbin na kaso sa korte sanhi ng krisis sa COVID-19.

Ayon kay Court Administrator Jose Midas Marquez, pinayagan ng Supreme Court ang higit sa 85 trial courts sa buong bansa na magsagawa ng “pilot test” ng videoconference hearings sa parehong criminal at civil cases habang kasalukuyang umiiral ang pandemyang nararanasan.

Sinabi naman ni Chief Justice Diosdado, pinahintulutan ng Korte Suprema ang lahat ng trial courts sa Metro Manila at iba pang 71 lungsod at munisipalidad sa buong bansa na mag conduct ng hearing ng mga pending cases kahit wala sa loob ng hukuman sa pamamagitan ng videoconference.

Noong nakaraang buwan ay matatandaang nagasawa ng hearings ang Supreme Court ngunit para lamang ito sa mga “urgent” criminal cases na involve ang piyansa at pansamantalang pagkalaya mula sa kulungan.



bottom of page