top of page

Swab Testing, Mandatoryo sa Navotas City


Ginawang mandatoryo ng local government ng Navotas City ang pagsasailalim sa swab testing ng mga residentenyg nagkaroon ng contact sa mga pasyenteng nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) matapos lumabas ang ulat nang pangtanggi ng iilan sa naturang pagsusuri.

Nilagdaan ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang Executive Order No. 42 na siyang naguutos ng mandatoryong swab testing para sa lahat ng residenteng nagkaroon ng close contact sa mga pasyente ng COVID-19.

Ayon sa city government ng Navotas, sakaling magpositibo ang mga ito sa sakit ay agarang ililipat ang mga ito sa community isolation facilities ng lungsod upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Samantala, patuloy parin ang hakbang ng lungsod sa kanilang isinasagawang contact tracing para sa bawat indibidwal na nagkaroon ng close contact sa mga pasyente ng nakahahawang sakit.

bottom of page