top of page

Tag-ulan, Simula Na!


Idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang Hunyo 12 bilang opisyal na simula ng tag-ulan o rainy season sa Pilipinas.

Sa isang pahayag, sinabi ng PAGASA na ang mga kalat na thunderstorms, hanging habagat, at ang Tropical Depression Butchoy ay nagdala ng sapat na dami ng ulan sa kanluran ng Luzon at ng Visayas sa huling limang araw upang ideklara ang simula ng tag-ulan.

Inabisuhan ng weather bureau ang iba’t-ibang ahensiya upang gawin ang mga paghahandang kinakailangan sa pagharap sa mga epekto ng wet season.

Tinatantiya ng PAGASA na haharap ang bansa sa nasa 20 tropical cyclones mula Hunyo hanggang Nobyembre ngayong taon.

bottom of page