Tagaytay, Tatanggap na ng mga Turista

Sa pagbaba ng lungsod ng Tagaytay sa Modified General Community Quarantine (MGCQ), magbubukas na rin ang mga pinto nito sa mga turistang gustong bumisita sa lungsod.
Sinabi ni City Administrator Gregorio Monreal, hindi umano mapipigilan ng lungsod ang
mga gustong pumunta sa Tagaytay ngunit kailangan raw nilang sumunod sa minimum
public health standard tulad ng pagsusuot ng face masks at physical distancing.
Ipinahayag rin ni Monreal na mananatili ang mga mga checkpoints sa entry points ng Tagaytay kung saan kailangan sumagot ng health declaration forms ang mga papasok.
Pinapayagan naman na mag-operate ang mga hotels ngunit pwede lamang tumanggap ang mga ito ng 50 porsyento capacity at sumunod sa mga health standards at protocols upang maprotektahan ang mga empleyado at bisita nito.
Naglabas na ng guidelines ang Tagaytay City local government para sa muling pagbubukas ng iba’t-ibang mga industriya.